138

Jul 5, 2021 @ 22:13
By

Rape, child abuse sa Baguio sumirit

Ipinag-utos ni Mayor Benjamin Magalong sa mga kinauukulang ahensiya na tugunan ang tumataas na kaso ng panghahalay at pang-aabuso sa kabataan sa lungsod.

Sa ulat, sinabi ni Magalong na 15 kaso ng rape ang naitala mula Enero hanggang Mayo ngayong taon kumpara sa limang kaso lamang noong nakaraang taon.

Inatasan niya ang City Social Welfare and Development Office (CSWD) at Baguio City Police Office na paigtingin ang mga programa at magpatupad ng mga bagong estratehiya upang maresolba ang problema.

Ayon kay CSWD Officer Betty Fangasan, karamihan sa mga kaso ay nangyari sa mga bahay habang mga kapamilya at kapitbahay ang mga salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?