24

By

Rape case sa Ateneo, fake news – Loyola Schools VP

Sharing is caring!

Walang patunay base sa imbestigasyon ng Ateneo de Manila University ang nag-viral na Facebook post kaugnay sa ipinadalang mensahe ng isang estudyante na umano’y nagahasa sa loob ng campus ng nasabing unibersidad.

“I can’t take it anymore. I have to say it.

I got raped in 5th floor CTC bathroom. By two muscular guys. I’m a girl. I don’t know their names and I don’t know what they look like because it happened so fast. They covered my head with a towel and punched me in the stomach telling me that if I screamed they’d hit me more. They dragged my into the male bathroom and they fucked me. They removed the towel and blindfolded me so they could use my mouth. One of them kissed me and I felt a beard. That’s all I know about what they look like. Someone please save me. I feel so scared typing this but I just can’t take it anymore. I don’t feel safe in our school anymore,” saad sa Facebook post ng ADMU Freedom Wall na nailimbag noong Nobyembre 24.

Base sa inilabas na pahayag ng Office of the Vice President for the Loyola Schools na pirmado ng kanilang Bise Presidente na si Maria Luz Vilches, kanilang tiningnan ang mga CCTV footage sa lugar kung saan nangyari umano ang panghahalay ngunit wala silang nakita dito.

Lumapit din sila sa pulisya para imbestigahan ang nasabing pangyayari ngunit base sa imbestigasyon ay may posibilidad na hoax o peke ang nasabing insidente.

“We have engaged the support of the police to look into this matter, and their investigation concluded that the alleged rape incident “was likely a hoax, unless otherwise, if in the future the victim and/or witnesses of the said incident will come out and seek police assistance.”

Kanila pa rin umanong babantayan ang nasabing insidente na na-post sa Facebook page na ADMU Freedom Wall at mas pinagtibay pa ang seguridad sa loob ng campus para masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga estudyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?