461

Rap artist na si Zaito, arestado sa ilegal na droga

Sharing is caring!

Dinakip ang Fliptop rap battle artist na si Zaito, na tumulong noon sa “Oplan Tokhang” campaign jingle ng pulisya, nitong Martes sa Cavite dahil sa illegal possession of drugs.

Sa bisa ng search warrant, tinungo ng Cavite police ang bahay ni Zaito sa Kawit, Cavite kung saan natagpuan ang tatlong sachets ng hinihinalang shabu, ayon sa report sa Unang Balita.

Dahil sa nakuhang ilegal na droga, si Zaito o may tunay na pangalan na Predo Canon Jr., ay inaresto sa paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?