47

Aug 31, 2019 @ 20:15

Ranidel tiwala sa kakayahan ng Gilas

Tingin ni Ranidel de Ocampo, may laban ang Gilas Pilipinas sa Group D ng 2019 FIBA World Cup na nagsimula ng Sabado sa Foshan, China.

Kagrupo ng Nationals ang Italy (unang laban ng Gilas Sabado ng gabi), Serbia at Angola. Uusad sa next phase ang top two squads ng bawat grupo.

Ito ay dahil kabilang pa rin sa kasalukuyang Gilas Pilipinas ang limang miyembro ng 2014 squad na sina June Mar Fajardo, Paul Lee, Andray Blatche, Japeth Aguilar at Gabe Norwood.

Bahagi din si Ranidel ng naturang 2014 Gilas Pilipinas squad.

“Nandiyan naman mga dati naming kasama like si Japeth, Gabe, June Mar, Paul Lee. Alam naman nila kung paano ‘yan, paano i-guide mga kasama nila,” sabi ni De Ocampo sa balitang unang lumabas sa Spin.ph.

“Alam nila na hindi biro ang tatahakin nilang laban. Ibigay lang nila best nila at mag-ingat lang sa laro. At the same time, best effort, best game, dapat almost perfect game. Sana maging maganda resulta ng magiging laban.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?