Ranidel de Ocampo, pumirmang muli ng kontrata sa Meralco Bolts

Sharing is caring!

Pinapirma muli ng panibagong dalawang taong kontrata ng Meralco Bolts si Ranidel de Ocampo.

Kasabay umano ito ng pag-aasam ng Bolts na makasungkit na ng kampeonato sa Philippine Basketball Association (PBA) 43rd season.

Pinirmahan ng 35-anyos na forward ang kontrata sa harap ni Meralco team manager Paolo Trillo.

Ito’y sa kabila na nagrerekober pa lang ang player mula sa napunit niyang muscle sa kaliwang binti na natamo sa Game 3 ng Governors’ Cup finals kontra Ginebra.

Nakuha si De Ocampo ng Meralco sa 3-team trade nito sa TnT Katropa at Phoenix sa eliminations ng season.

Si De Ocampo ay 4th overall pick ng noo’y FedEx Express kung saan kasabayan niya sina Paul Artadi at Gary David sa unang pag-apak sa professional league.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?