23

Feb 9, 2021 @ 17:58
By

Ranidel de Ocampo: Face shield walang kwenta

Kung si Ranidel de Ocampo ang tatanungin, wala umanong silbi ang pagsusuot ng face shield pangontra sa COVID-19.

“Face shield is useless,” matapang na pahayag ni RDO sa kanyang tweet.


Reaksyon ito ng dating TNT forward sa isang tweet ni Axl Caesar Ofrecio, isang intern sa Philippine General Hospital, kung saan sinabing katumbas ng goggles at eyeglasses ang mga face shield.

Lahad sa inforgraphics na nilabas ng PGH, mahalaga na maprotektahan ang mga mata sa kontaminasyon.

“Lol PGH na nga nag-i-implement ng ganito, so why can’t other non-healthcare establishments?” lahad ni Ofrecio.

Ilang netizen ang nagsabi na pwede naman palang alternatibo na ang mga salamin lalo’t mahirap na suotan ng face shield kapag regular na naka-eyeglass.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?