150

Jun 8, 2018 @ 16:03
By

Random bag, locker inspections sa schools, bawal ‘yan – Tinio, Castro

Tutol sina ACT Teachers party-list Representatives Antonio Tinio at France Castro sa mungkahi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na magpatupad ng random inspections sa mga bag at lockers sa mga paaralan.

Para kina Tinio at Castro, pag-atake ito sa privacy ng mga estudyante at walang ipinagkaiba sa Oplan Tokhang.

Iginiit ni Castro na dapat ang pagtuunang-pansin ng mga pulis ay ang malalaking isda na supplier ng iligal na droga.

“Bakit hindi paghahanap ng mga big fish na suppliers at mga protektor ng droga ang atupagin ng mga pulis? Mahaba na ang listahan ng mga kabataan at mga mahihirap na mamamayan na naging biktima ng tokhang ng administrasyong ito at hindi natin hahayaang maging instrumento pa tayong mga guro sa pagdaragdag dito ng ating mga estudyante,” ani Castro.

Ipinunto naman ni Tinio na wala sa lugar na kapkapan ang mga bata sa kanilang silid-aralan.

“Students are not prisoners, their classrooms are not prison cells, their teachers [are] not jailers. They can’t be subjected to random and intrusive searches like the authorities do to convicts in Bilibid,” sabi ni Tinio.

Kaugnay nito’y nanawagan ang mga kongresistabsa Department of Education na protektahan ang karapatann ng mga guro at estudyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?