102

Aug 5, 2019 @ 12:40

Randle quit sa Team USA

Umatras ang New York Knicks forward na si Julius Randle sa USA Basketball Team camp dahil sa usaping pampamilya.

Ayon sa tweet ni Marc Stein ng New York Times, inaasahang 29 na lang manlalaro na lang imbes na 30 ang dadalo sa training camp nitong Linggo sa Las Vegas kasama si Jeff Van Gundy bilang magsisilbing head coach ng 2019 USA Basketball Select Team.

Ang select team ay binubuo ng 14 up-and-coming players na lilipad patungo sa main roster ng Team USA head coach na si Gregg Popovich.

Bukod kay Randle na may average ng 21.4 points, 8.7 rebounds at 3.1 assists noong nakaraang kumperensya para sa New Orleans Pecilans ay marami rin ang hindi nakibahagi sa paparating na FIBA World Cup USA team tulad na nina Kevin Love, Bradly Beal, Tobias Harris, Damian Lillard, CJ McCollum, DeMar DeRozan, Anthony Davis, Eric Gordon at James Harden. (Aivan U. Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?