16

By

Ramos nakatapos sa ‘Alcatraz’

Sharing is caring!

Naging pangalawang Pinay si Lourdes Angela ‘Lou Ann’ Hamada-Ramos, tubo at residente ng Baguio City, na nakatapos sa kasasagawang 38th The Escape from Alcatraz Triathlon 2018 sa Estados Unidos.

Binagtas ng ina ng tatlong supling at ang asawang si Jethro Karl ‘Jet’ na isa ring triathlete, ang jump off the boat, 2.5-km San Francisco Bay swim (Alcatraz-St. Francis Yacht Club), 28k hilly bike, at demanding 12k run up the sand stairs (Golden Gate Area) race sa 4 na oras at 29 na segundo.

Pumuwesto siyang 1,315th mula sa 1,574 finishers, 56th sa female 35-39 age group, tapos mag-dive mula barko at lumangoy ng 44 na minuto, magbiskleta ng 1 oras at 26 na minuto, at tumakbo sa kabundukan bukod pa sa 400 hakbang sa buhanginan ng 1:31:00.

“I had no choice but to jump off the boat, with the water temperature at 55 degrees, it was too cold that I had to wear a wet suit and bootys. The current was so strong and the waves were huge! I was really surprised how I got to the shore. Once done with my swim I was already confident with my bike and run. I already felt like a winner then,” kwento ni Ms. Ramos.

Unang Pinay na tumapos sa isa sa pinakamahirap na triathlon sa daigdig ang 20-taong-gulang na arkitektong si Mara F. Guevara noong 2014. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?