51
Ramos hindi nagbitiw bilang coach ng Elite
Apr 1, 2019 @ 19:09
By ,

Ramos hindi nagbitiw bilang coach ng Elite

Itinanggi ni Blackwater head coach Bong Ramos na nagbitiw na siya bilang coach ng Elite matapos bigong makalusot sa playoffs ng All-Filipino Conference ng PBA.

Sa balitang inilabas na sports website na spin.ph, mariing itinanggi ni Ramos ang usap-usapan na binakante na niya ang kanyang posisyon sa koponan.

“Hindi totoo ‘yan. Mag-meeting pa lang kami this weekend,” sabi ni Ramos nitong Lunes.

Ang naturang meeting ay gaganapin isang linggo matapos ang bigong kampanya ng Blackwater sa season-opening conference hawak ang 2-9 na kartada.

Maari rin pag-usapan dito ang posibilidad ng pagbabago sa tropa nang magbitiw lamang nitong nakaraang linggo si Joel Co bilang team manager at si Deputy coach Pat Aquino ang napiling pumalit dito.

Maging sina Blackwater team owner Dioceldo Sy at board of governor Siliman Sy ay wala pa ring komento tungkol dito.

Noong nakaraang Governor’s Cup ay nakalusot sa playoffs ang Elite pero biglang dausdos ito pababa ngayong All-Filipino sa pagkawala ng ilang players nito gaya nina Paul Erram, Paul Zamar at John Pinto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?