17

Dec 5, 2020 @ 22:12
By

Ramos galawang Siegle

NAAALALA ni Gilas Pilipinas coach Jong Uichico ang dati niyang premyadong player sa San Miguel Beermen na si Danny ‘Dynamite’ Siegle sa incoming rookie ng Ateneo Blue Eagles na si Dwight Ramos.

“He’s not very quick but he’s athletic. Ang lakas ng katawan kasi niya eh, and at the point guard, he’s not only a scoring point guard, he has great vision for a point guard which medyo nawawala na ngayon,” kuwento ng nine-time PBA champion.

Tingin pa ni Jong, hinog na para sa PBA si Dwight, may taas na 6-foot-5 pero eksplosibo at maganda ang court vision.

“I think he’s PBA-ready kasi magagamit at magagamit siya eh,” sey ni Uichico sa 2OT.

“Kung sa Gilas nga, nagagamit siya eh, what more doon sa PBA where he will really be a factor.”

Pasiklab si Dwight ng 20 puntos, pitong rebounds at tigatlong assists at agaw sa 93-61 panalo ng Gilas sa unang laro kontra Thailand kamakailan sa 2021 FIBA Asia Qualifiers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?