24

Apr 13, 2021 @ 15:03

Ramon Fernandez: Kai Sotto tamang umalis sa ‘Pinas

Aprub kay PBA legend Ramon Fernandez ang ginawang paglisan ni Kai Sotto sa Pilipinas para mag-ensayo sa bang bansa.

Saad ni ‘El Presidente’, ang pagpunta ni Kai sa Amerika para doon magsanay ay maganda para sa kanyang basketball career.

“Tama yung ginawa niya. He should look for the highest level of competition abroad and he can only find that in the States or in Europe, especially now that he’s growing in years,” ayon kay Fernandez, na all-time leader ng PBA pagdating sa points, block at rebound.

Gayunpaman, aminado si Fernandez na hindi niya masyadong nasusubaybayan ang karera ni Sotto dahil busy sa kanyang trabaho bilang commissioner ng Philippine Sports Commission.

“Frankly, since nag-retire ako nung 1994, hindi na ako masyadong nagfa-follow ng basketball in general so hindi ko masyado nakikita yung mga atleta except for a few championship games na sumisilip ako,” aniya pa.

Nananatili sa Amerika si Sotto, huling nakitang naglaro sa Smith League Open Run matapos ang napurnadang stint sa NBA G-League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?