40

Jan 15, 2021 @ 0:27
By

Ramon Ang walang ambisyon tumakbo sa 2022 natn’l elections

Sa kabila ng mga proyektong ginawa ng San Miguel Corp. na pinangungunahan ni Ramon Ang, nilinaw niya na hindi siya tatakbo sa parating na halalan 2022.

Ito ay matapos siyang tanungin sa opisyal na pagbubukas ng Skyway Stage 3 kanina kasama ang Pangulong Rodrigo Duterte kung tatakbo ba siya sa pambansang eleksyon sa susunod na taon.

“Perhaps because of our company’s efforts to help our country, many are thinking I am planning to enter politics. I have no such ambition,” pahayag ni Ang.

“All these projects we’ve completed, and all the new ones we’re about to start, are part of our long-term vision we first articulated more than a decade ago, when we said we wanted to be a true partner in nation-building,” dagdag pa niya.

Bukod sa Skyway stage 3, nagkasa rin ng mga donation drive at programa ang kanyang kompanya bilang pagtugon sa pandemya.

Aniya, mahal nila ang bansa kaya nila ito inaangat.

“We love our country, it’s the only one we have, so we should all do what we can to lift it up and help Filipinos. This pandemic has only made that commitment deeper and stronger,” sambit niya.

Kasalukuyan nang pinagpaplanuhan ang paggawa ng Pasig River Express Way na pangungunahan din ng San Miguel Corp. sa Pebrero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?