174

Dec 18, 2019 @ 20:12
By

Ramon Ang sa pagsuspende kina Santos, Tubid, Nabong: Hindi pwedeng palampasin kahit patay ang grand slam

Mas mahalaga ang disiplina at respeto ng mga manlalaro kaysa makaukit ng kasaysayan.

Ito ang paniniwala ni San Miguel Corp. honcho na si Ramon S. Ang matapos suspendihin ang tatlong local player nila na sina Arwind Santos, Ronald Tubid at Kelly Nabong.

“You know, we cannot just close our eyes and go for the grand slam. Hindi na tayo tutularan ng tama,” ayon kay Ang sa report ng Top Gear.

Matatandaan na suspendido ang tatlo dahil sa naging away sa ensayo ng koponan na kinasangkutan din ng import na si Dez Wells.

Nangyari ito papasok sa quarterfinals ng 2019 PBA Governor’s Cup, na may tsansa sana sa grand slam ngayong season.

Hindi pa batid kung kailan makababalik ang tatlo na wala pang desisyon kung kailan matatapos ang suspensyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?