149
ramon-ang
Mar 9, 2018 @ 18:23
By

Ramon Ang, PSA Executive of the Year

Nahirang kamakailan bilang PSA Executive of the Year si San Miguel Corporation president/chief operating officer Ramon S. Ang dahil sa walang puknat na pagsuporta sa Philippine sports.

Iginawad ang pagkilala kay Ang sa katatapos na Philippine Sportswriters Association (PSA) 2018 Annual Awards Night sa Manila Hotel.

Mayroong tatlong koponan si Ang sa Philippine Basketball Association na kinabibilangan ng San Miguel, Ginebra at Magnolia.

Umaayuda rin si Ang sa women’s volleyball sa pamamagitan ng kanyang team na Petron sa Philippine Super Liga. Tinutulungan din niya ang kanyang anak na si Jacob, na ngayon ay gumagawa na ng ingay sa karting scene sa Pinas at sa ibang bansa.

At pumapadrino rin ang SMC sa training ni skater Michael Martinez, na sumabak kamakailan sa 23rd Winter Olympic Games sa Pyeongchang, South Korea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?