25

By

Ramirez: Sports para sa pagkakaisa sa ASEAN

Binigyang-importansya ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang produktibong pagtataguyod sa pagkakaisa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pamamagitan ng sports pagkatanggap nito ng chairmanship ng 5th ASEAN Ministerial Meeting (AMMS) 5 on Sports, Miyerkoles, mula pinalitang si AMMS-4 chair at Myanmar Deputy Minster Dr. Mya Ley Sein.

“I consider these series of meetings as a great opportunity to learn from our neighbour, and also share with you what we have. Our mission does not start and end in forming policies. It continues on to making these policies work for our countries and our future,” bigkas ni Ramirez.

Binuo base na rin sa mungkahi ng Mid-Term Review Validation Workshop sa ASEAN Work Plan on Sports 2016-2020 sa Myanmar sa nakaraang Mayo, nagkaisa ang mga ministro sa pagbalangkas sa ASEAN Work Plan on Sports 2021-2025, prayoridad ang pagtuon sa sports para sa pagbabago, pagkakaisa, at integridad ng sports para sa lahat ng sport, sport science, sports tourism at sport industry.

Binigkis din sila nang ipormalisa ang pagtatayo ng Technical Working Group sa pangunguna ng Thailand kasama ang Indonesia, Malaysia, Singapore, at Vietnam bilang core members at pagsama na rin sa iba pang mga miyembro para maging parte sa working group para sa paghahanda ng ASEAN para sa bidding ng FIFA World Cup 2034.

Pinaalam sa pulong ang pagsasama ng ASEAN Symposium on Sports Development sa 2020 sa pangunguna ng ASEAN Secretariat, pati sa inisyatiba ng Thailand sa pagsasama-sama sa sports para sa “Youth Crime Prevention” at pagbuo sa mga pangangailan ng mga komunidad.

Natapos ang AMMS-5 sa pagpahayag ng mga bansa sa ASEAN na sinusuportahan si Chairman Ramirez at ang PSC para sa nalalapit na 30th SEA Games sa bansa sa Nobyembre at 10th ASEAN Para Games sa Enero 2020.

“Sports is and will always be a universal opportunity to bond, connect and make impossibilities happen. We thank everyone for their support for the 30th SEA Games. We hope to see you in the games next month,” panapos na bulalas ni Ramirez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?