52
psc1
By

Ramirez nagsori sa nat’l athletes

Humingi ng paumanhin ang Philippine Sports Commission sa mga national athlete, lalo na sa mga nakabase sa PhilSports Complex sa pagkaantala sa paghahatid serbisyo ng government sports agency lalo’t apat na buwan na lang ay 18th Asian Games 2018 na sa Indonesia.

“Sorry po sa delay sa weightlifting at sa fencing at sa athletes most especially kay Hidilyn,” ani Ramirez sa pinangunahang briefing kahapon sa PSC conference room sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Kasama niya ang tatlo sa apat na kabilang sa PSC board members na sina Commissioners Ramon Fernandez, Charles Raymond Maxey at Fatima Celia Kiram, at sina Phil. Sports Institute national training director Marc Edward Velasco at PSC Pacquiao Cup Boxing Tournament project manager Annie Ruiz.

Naantala ang pagpagpapagawa ng PSC sa ilang dorms at canteens sa RMSC at sa PhilSports sa Pasig kaya minsang minsang nakiusap si Diaz sa PSC na madaliian ang kanilang pasilidad.

“Pero by June operated na ang 24-hour canteen at maayos na ang dorms,” hirit ni Ramirez, tinukoy na ang may kabagalang proseso sa bidding sa gobyerno ang isa sa mga dahilan sa pagkaantala ng PSC para sa mga pagawaing pasilidad sa national athletes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?