68
Ramirez KO kay Casimero
Aug 26, 2019 @ 16:49
By

Ramirez KO kay Casimero

Hindi pinayagan ni Johnriel Casimero na manakaw sa kanya ang hawak na bantamweight crown nang patumbahin si Cesar Ramirez, Sabado ng gabi sa San Andres Sports Civic Center sa San Andres, Manila.

Gumewang man ang paligid ng tubong Ormoc na si `Quadro Alas’ ay buong lakas itong bumawi sa kanilang ika-10th round kung saan literal nitong pinadugo ang ilong ng Mexican challenger.

Nagpakitang-gilas kay ‘Pambansang Kamao’ Senator Manny Pacquiao ang 29-anyos na si Casimero nang tuluyang itumba ang Mehikano sa 11th round.

Tigil na sa bakbakan sa ring ang dalawang boksingero nang umawat na ang referee bago matapos ang round 10.

Itinaas na ang kamay ni Casimero kaya hanggang ngayon ay hawak pa rin nito ang kanyang WBO bantamweight crown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?