8

Oct 28, 2020 @ 14:41
By

Ramirez gustong kilalanin bilang “Sports Leader of the Peripheries”

DAHIL sa kanyang walang sawang pagnanais na pagpapalawak at maipalaganap ang sports sa mga lugar na hindi naaabot ng kabihasnan pati na rin maturuan ang mga kabataan, hiniling na ibigay kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez ang titulo at pagkilala dito bilang “Sports Leader of the Peripheries.”

Mismong ang kapwa nito naging PSC chairman na si Aparicio Mequi ang nagtulak para maigawad ang pagkilala kay Ramirez na hindi alintana ang mga malalayo at pinakaliblib na lugar upang maabot ang mga kabataan na hindi natuturuan at nabibigyan ng kahit anumang uri ng makabagong uri ng sport.

“October is the National Indigenous Peoples Month. As the most senior sports lover in the Philippines, I take it upon myself to recognize PSC Chairman William Ramirez, as the first and only sports official to visit the Agta tribe of the Sierra Madre,” sabi ni Mequi.

“Thus, to my mind, should be bestowed the title of “Sports Leader of the Peripheries.” In keeping with the tradition of his educational foundation: Ad Majorem Dei Gloriam. For the greater glory of God,” sabi pa nito.

Una nang dinayo ni Ramirez ang iba’t ibang tribo sa pinakatagong lugar at matataas na kabundukan sa bansa upang bigyan ng pagkakataon ang mga Indigenous People o IPs lalo na ang mga kabataan na maramdaman ang isang buong araw na paglalaro at matutunan ang kahalagahan ng sports.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?