209

By

Ramirez binaligtad si Panlilio, SBP

Binasag ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez ang pananahimik sa pag-urong ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa men’s basketball competition ng 18th Asian Games 2018 sa parating na Agosto 18-Setyembre 2 sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

Galit na na sinupalpal lahat ni Ramirez ang mga palusot ng SBP hinggil sa withdrawal ng Gilas Pilipinas sa quadrennial AG kung saan ang unang apat na edisyon noong 1951 hanggang 1962 ay pinagharian ng PHL quintet.

“There was no consultation it was an SBP decision. It is not true that we don’t have outstanding basketball players. The Philippines is qualified to participate to the Asian Games 2018,” giit ni Ramirez Huwebes ng gabi sa pagbaligtad lahat sa mga naunang pahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Alfredo Panlilio.

Hinirit niya mahilig sa basketbol na bansa ang Pilipinas at binabatikos na ng mass media at social media ang SBP sa sitwasyon, maging ang PBA ay handa aniyang tumulong sa komposiyon ng pambansang koponan pati ang ahensya niyang pinamumunuan.

“Lastly, it is the government thru PSC are the one funding the Asian games those who are qualified according to the Olympic Council of Asia rules and requirement,” panapos na babala ni Ramirez sa SBP.

May mga panawagawan na sa socmed, ila’y post pa ng mga taga-print media na humihiling kay Panlilio na bumabawa na sa kanyang puwesto.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?