Ramirez bibigyan ng cabinet post?

Sharing is caring!

POSIBLENG mabigyan ng cabinet post sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Na-reappoint si Ramirez ni Pangulong Duterte noong 2016 matapos mag-serve as PSC chairman nong 2005 hanggang 2008.

Nasuspende ito dahi sa kasong graft kaugnay ng pag-hire niya ng karagdagang security guards noong 2008, na umano’y hindi dumaan sa tamang proseso.

Ayon sa mga report, hindi daw ito inaprubahan ng PSC Board noong panahong iyun.

“Sana naman hindi ito totoo at dapat ngang hindi na siya bumalik sa puwesto kahit matapos pa this August ang suspension niya, dahil kung tutuusin wala naman itong ipinagkaiba sa mga nabigyan ng Pangulong Duterte ng kapangyarihan, pero tila umabuso,” ayon sa komento ni Abante sports columnist Ambet Nabus.

“Nitong February 2018, nagdesisyun ang Sandiganbayan sa kanyang suspension na ni-re-affirm ng Malacanang noong May 11, sa pamamagitan ng memo na pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea. At dahil “pending litigation” ang suspension ni Ramirez na magtatapos ngayong Agosto, bakante ang puwesto nito sa ngayon at wala pa ding sinasabi ang Malacanang tungkol sa replacement niya,” dagdag ni Ambet.

Maugong ang name ni PBA icon Ramon Fernandez bilang siyang pauupuing OIC kahit pa nga nagtalaga na si Ramirez ng kanyang caretaker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?