48

Nov 1, 2017 @ 15:17

‘Ramil’ patuloy na magpapaulan hanggang bukas

Pinayuhan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga nakatira sa mga lugar na inilagay sa Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 (TCWS #1) na maging alerto sa posibilidad ng baha at landslides.

Ito’y ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, ilang lugar sa MIMAROPA at mga probinsiya ng Quirino, Nueva Vizcaya at Pangasinan.

Nananatili namang hindi ligtas ang bumiyahe sa mga karagatang sakop ng mga lugar na nasa ilalim ng TCWS #1 kasama na ang seaboards ng Northern Luzon at ang eastern seaboard ng Central at Southern Luzon dahil sa tropical depression.

Ang Tropical Depression Ramil ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng gabi, o sa Biyernes ng umaga.

Namataan ang sentro nito sa 80 kilometro hilaga hilagang-kanluran ng Cuyo, Palawan o 80 kilometro ng timog-silangan ng Coron, Palawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?