lvpi1

Ramil de Jesus, bagong coach ng PH women’s volleyball team

Sharing is caring!

Iniupo bilang coach ng Philippine women’s national volleyball team si Ramil de Jesus.

Ginawa ang pormalisasyon sa pagkakatalaga ni De Jesus sa pangunguna ni Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) vice president Peter Cayco bago mag-umpisa ang national team tryouts sa Arellano Gym.

Huling minanduhan si De Jesus ang national team noon pang 2005, nang imaniobra nito ang Pilipinas sa bronze medal sa Southeast Asian Games.

Naghahanda ang national team para sa 2018 Asian Games sa Indonesia sa Agosto at sa 2018 AVC Asian Women’s Cup sa Thailand sa Setyembre naman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?