1,300

By

Rambulan sa loob ng UFC octagon, si McGregor ang pasimuno?

Sharing is caring!

Marami ang pumupuna sa ginawa ng kampo ng UFC lightweight champion na si Khabib Nurmagomedov dahil sa pang-aatake nito sa kampo ng nakatunggaling si Conor McGregor mismong pagkatapos ng laban.

Ngunit mukhang may ibang anggulo pa ang naturang istorya.

Sa ginawang pag-analyze ng UK-based site na Dailymail, nagpakita ito ng mga larawan kung saan makikitang paglabas ni Khabib ng octagon ay sinapak ng patago ni Conor ang isa sa kampo ng kampeon.

Papalabas na sana ng ring ang isa sa trainer ni Khabib para umawat sa nagwawalang MMA fighter, ngunit biglang umentra si McGregor at nagpatama sa mukha ng una.

Ang kasunod na nangyari, kuyog na sa loob ng eight-cornered ring sa pagpasok ng ilan pang alipores ni Khabib para pagtulungan si McGregor.

Matatandaan na tatlo ang dinala sa pulisya mula sa mga tropa ni Nurmagomedov, samantalang malinis naman sa kampo ni McGregor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?