24

By

Rambulan sa basketball court: UV Lancers, USPF Panthers nagsapakan!

Sharing is caring!

Nagmistulang boxing ring ang basketball court makaraang mag-free-for-all rambulan ang mga manlalaro ng University of the Visayas Green Lancers at University of Southern Philippines Panthers sa Minglanilla Mayor’s Cup Inter-Collegiate Christmas Basketball League noong Miyerkoles ng gabi.

Sa artikulo ng Spin.ph, unang bugso pa lang ng laban ay nagkaroon na ng iringan sa pagitan ng dalawang koponan.

Na-foul umano ng malakas ng USPF player na si Mhike Patalinghug ang manlalaro ng UV na si Jiesel Tarrosa.

Saad ni Patalinghug, sinubukan umano siyang sapakin ni Tarrosa ngunit hindi ito tumama, at doon na nagsimula ang rambulan.

Tinulak ng forward ng USPF na si Kenneth Cada si Tarrosa, dahilan para sumaklolo ang kanyang mga kakampi at kuyugin ang una.

Ayon din sa writer ng artikulo na si Jonas Panerio, kitang sumasapak si Sheldon Gahi ng UV kay Cada, na nagpaliwanag na kanya lamang pinagtatanggol ang kanyang teammate na si Michael Maestre na nabaon sa bench ng USPF.

Ang dalawang koponan ay miyembro ng Cesafi ngunit ayon kay league commissioner Felix Tiukinhoy, wala silang maipapataw na parusa para sa mga sangkot dahil hindi ito sa kanilang liga nangyayari.

Magpupulong naman ang management ng liga at dalawang koponan para sa mga parusang matatanggap nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?