85

Sep 23, 2019 @ 20:56
By

Rambol ng 2 pamilya: 1 todas, 4 sugatan

Isa ang namatay habang apat ang malubhang nasugatan matapos magrambulan ang dalawang pamilya sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Kinilala ni ang namatay na biktima na si Edmar Aguilar, 18, binata, window installer at naninirahan sa San Pedro, Bulacan.

Ginagamot naman sa East Avenue Medical Center ang mga nasugatan na sina Vilma Aguilar Gomez, 47; James Edward Mondero Aguilar, 22; at ang magkapatid na sina Torde Del Rosario Tordesillas, 25, at Sonny Tordesillas Jr.

Agad namang binitbit sa pulisya ang mga kasama sa naganap na rambol na sina Eddie Obias Aguilar, 49, barbero, at Richard Aguilar Gomez, 19, construction worker.

Batay sa imbestigasyon ni PSSgt. Rhic Rholdan ng CIDU-QCPD, naganap ang insidente alas-11:30 ng gabi (September 22) sa Bayanihan-Lakatan St., Talanay-A, Brgy. Batasan Hills.

Nagrambulan at nakipagsuntukan umano ang magkakamag-anak na sina Edmar, James at Richard sa magkapatid na Tordesillas.

Sa gitna ng rambulan ay pinalo umano ni Richard ng bote sa ulo si Tordesillas Jr., habang si Torde naman ay kumuha ng di-pa batid na kalibre ng baril sa loob ng kanilang tahanan subalit nakita siya nina James at Edmar kaya agad siyang sinunggaban.

Habang nagpapambuno ang tatlo sa baril ay pumutok ito at tinamaan si Vilma sa paa subalit muling naagaw ni Torde ang baril nito at pinaputukan si James na tinamaan sa kanang sentido.

Dahil dito ay sinunggaban ni Edmar ang hawak na baril ni Torde at muling nagpambuno ang dalawa subalit pumutok ito at tinamaan sa dibdib ang una na siya nitong ikinamatay.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang moitbo sa naganap na rambulan upang alamin kung sino ang dapat panagutin sa pagkamatay ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?