ramadan1
By

Ramadan, magsisimula na sa Huwebes

Sharing is caring!

Sa Huwebes, Mayo 17, sisimulan na ang Ramadan o isang buwang fasting o pag-aayuno ng mga Muslim sa buong mundo.

“In the name of the Ulema sector and by the authority vested upon me as NCR Mufti, I hereby declare that we didn’t see the moon today therefore tomorrow is not the first day of Ramadan, it will begin on Thursday, 17th of May 2018,” pahayag ni National Capital Region Mufti Aleem Naquib Taher sa ‘moon-sighting” event noong Martes ng gabi.

Ang ‘Moon sighting’ ang isang tradisyon na ginagawa ng mga Muslim kasabay ng deklarasyon ng pagsisimula ng Ramadan, ang ikasiyam na buwan sa taon ng mga Muslim.

Sabi ni Aleem Abdein basher, isang moon sighting expert Aleem, hindi nila nasilayan ang unang “crescen moon” dahil sa makapal na ulam.

“We were not able to see the moon, today May 15, it’s not Ramadan here in the Philippines because the sun had set at 6:17 p.m. and the moon had set at 6:08 p.m. We will wait until 3:00 a.m. in other places like Saudi, Libya or west bound countries, West Africa in case they saw the moon today we will go with them (with their decision),” sabi ni Basher.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?