705

By

Ram Revilla slay suspects inabsuwelto: Janelle Manahan natatakot sa kaniyang kaligtasan

Hindi man nasorpresa, aminado ang girlfriend ng pinaslang na si Ram Revilla na dismayado siya sa pagpapawalang-sala sa mga suspek sa pagpatay sa kaniyang boyfriend.

Sa PEP report, sinabi ni Janelle na halos isang dekada siyang naghintay pero ganoon lang umano pala ang kalalabasan ng hatol ng hukuman, na “not guilty” ang limang akusado kabilang ang kapatid ni Ram na si Ramon Joseph Bautista kahit pa lahat aniya ng ebidensiya ay nagtuturo sa mga ito.

“I can’t say I am surprised… with the kind of justice system that we have in this country. But I am very disappointed. I waited so long, almost a decade, only to receive this news. I am not convicting them and did not convict them, but all evidences were pointing toward them. Some even admitted they are guilty. Paano nangyari ‘to?!” saad ni Janelle.

Dahil sa pag-absuwelto sa mga suspek, natatakot na umano si Janelle para sa kanyang kaligtasan lalo pa’t iniutos ng korte na palayain na si RJ at iba pa mula sa kulungan.

“God is our ultimate judge, ipagpapasa-Diyos ko na lang sila. But I am worried for my safety,” dagdag pa ni Janelle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?