114

Nov 10, 2017 @ 10:25
By

Rally sa ASEAN Summit, hindi pipigilan ng PNP

Hindi haharangin ng Philippine National Police ang mga grupong nais magsagawa ng kilos protesta sa ASEAN Summit.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, maari nilang gawin ang mga kilos protesta hanggat hindi ito nakakaabala sa mga gagawing aktibidad para sa ASEAN summit at wala sila sa area kung saan lock down na.

“They will be allowed as long as they are disrupting the activities and they are not in the lock down area” sinabi ni Carlos.

Sinabi pa ni Carlos na simula kamakalawa ay nagpalabas na ng advisory ang PNP para matukoy ng publiko at mga magsasagawa ng kilos protesta ang partially lock down at totally lock down area.

Magtatagal aniya ang partially lock down at totally lock down area hanggang November 15.

Sa ngayon, naka-deploy na ang 33 libong pulis mula National capital Region police Office kasama na ang augmentation force mula sa ibat-ibang Police Regional Offices.

Nagbibigay ang mga ito ng seguridad para sa mga delegates, ruta venue at billet ng mga ito habang isinasagawa ang summit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?