3

Jun 11, 2021 @ 13:18
By

Rally sa Araw ng Kalayaan, gawin muna online – Eleazar

Hinimok ni Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar ang mga progresibong grupo na magsagawa muna ng rally online sa Araw ng Kalayaan.

Ayon kay Eleazar, ito’y dahil buhay pa rin ang banta ng COVID-19 kaya’t mas mabuting idaan via Zoom o social media ang pag-alala ng Independence Day bukas, June 12.

“The PNP respects everyone’s right to freedom of speech and expression, subalit iba po ang ating sitwasyon ngayon,” saad ni Eleazar.

“Maging responsable po tayo at unahin ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa,” aniya pa.

Para naman sa mga pulis, pinaalalahanan ni Eleazar na magpatupad ng maximum tolerance sa mga mga aktibista sa Araw ng Kalayaan.

Gayunpaman, nagbabala din ang hepe na ipapatupad ang batas kapag may nakitang paglabag sa health protocol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?