4

By

Raliyista sa Labor Day, ‘di aabot sa 15K – Albayalde

Sharing is caring!

Inaasahan ng Phillippine National Police (PNP) na 5,000 raliyista ang magsasagawa ng kilos-protesta bukas, Labor Day.

Inihayag ito ni PNP Chief, Police Director General Oscar Albayalde base sa kanilang intelligence monitoring.

Ang bilang na ito ay namonitor na magra-rally sa Kalakhang Maynila.

Hindi naman naniniwala si Albayalde na aabot sa 15,000 ang mga raliyista bukas sa kabila ng anunsiyo ng Kilusang Mayo Uno na ganito karami ang magpoprotesta.

Pero nakahanda aniya ang PNP sa anumang mga hindi inaasahang kaganapan bukas.

“Hindi minamaliit ang kakayahan ng KMU na may 15 libo na magpoprotesta but the recent year nakita naman natin hindi ganun karami ang mga sumasali sa kilos-protesta, last year sa NCR mga 3k to 5k ang group,” sabi ni Albayalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?