44

Feb 17, 2020 @ 15:31
By

Rakrakan Festival 2020 naurong sa Abril

Bilang pagsunod sa nilabas na advisory ng Department of Health at Department of Interior and Local Government, hindi matutuloy ang Rakrakan Festival 2020 na gaganapin sana sa February 29, 2020.

Ayon sa nilabas na statement ng organizer ng music fest, ito’y alinsunod sa paalala ng gobyerno na iwasan muna ang mga concert at ibang public gathering dahil sa banta ng novel coronavirus outbreak.

Saad sa pahayag ng Rakrakan Festival, kanilang prayoridad ang public safety at seguridad ng kanilang mga guest kaya hindi muna itutuloy ang nasabing event.

Dahil dito’y sa April 25, 2020 na gaganapin ang Rakrakan Festival, na pinangako ng mga organizer na kanilang gagawin ang lahat para mas maging maganda pa ang event pagdating ng nasabing petsa.

Ang Rakrakan Festival ay isa sa pinakamalaking music festival sa bansa, may anim na stage na dadaluhan ng 120 local artist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?