10

Sep 28, 2020 @ 23:56
By

‘Raket’ ni Butler, may katapat na

Mula nang magsimula ang National Basketball Association (NBA) Bubble games sa Orlando, Florida nitong Agosto 17, pagbebenta na ng kape ang sideline ni Miami Heat star Jimmy Butler.

May sariling kagamitan ang 31-year-old, 6-foot-7 swingman kaya kinarir na ito at isinilang ang Big Face Coffee.

Libre ito sa mga kakampi niya na magandang performance sa bawat game habang for sale na sa iba.

Masyadong namamahalan ang tropa niyang si Bam Adebayo sa presyo. Pero sinalag siya ni Butler na may lovelnaman ang paggawa sa produkto.

Maging si Heat Assistant Athletic Trainer Brandon Gilliam inayunan si Adebayo Butler kaya nagtayo na rin ng kagayang negosyo para karibalin si Butler.

Kaya kung kay Butler ang Big FaceCoffee, kay Gilliam ang Little Face Coffee.

Pero Black coffee lang ang tinda ni Gilliam hindi tulad ni Butler na may lattes pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?