80

Jul 18, 2019 @ 10:33

Rakeem diyeta sa 8 puntos lang; Hotshots malamig sa KaTropa

Laro bukas, Biyernes: (Mall of Asia Arena, Pasay)

7:00 pm Alaska Aces vs Meralco Bolts

Sapat na ang muntik na triple-double ni Terrence Jones para ipaangkin sa TNT ang ikawalong sunod na ragasa, ika-10 panalo sa kabuuan at unang puwesto sa paglantak sa Magnolia Pambansang Manok, 98-83, sa pagtiklop Myerkoles ng gabi ng 44th Philippine Basketball Association 2019 Commissioner’s Cup eliminations sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Iniwanan ng KaTropa sa third quarter ang Hotshots sa paghulog sa 29-20 attack para isalya sa No. 5 sa quarterfinals habang ang San Miguel ay No. 7 via quotient gaya ng No. 6 Rain or Shine sa parehas na mga 5-6 record.

Makakatapat ng TNT na may twice-to-beat edge ang mananalo sa Alaska at Meralco na isang larong playoff para madetermina ang tutuntong sa ikawalo at huling silya sa quarters. Wagi ang Bolts sa Beermen sa pantaas ng tabing na laro, 95-91.

Toka sa Magnolia ang Barangay Ginebra San Miguel sa best-of-three quarters, habang ang San Miguel na may twice-to-win handicap ay sasalpok sa No. 2 NorthPort.

“Everybody contributed. I am just happy for it. We all work very hard from the beginning, defensively and offensively, it is just paying off,” bulalas ni Jones, na nagtala ng 26 points, 13 rebounds, 8 assists, 5 blocks, at 1 steal.

Lumamang lang ng apat ang Magnolia habang ang pinakamataas na abante ng winning team ay 21 puntos sa 6:14 minuto ng final stanza, 90-69, tapos ipasok ni Jones ang dalawang free throws.

Dyeta sa walong puntos lang ang binyagan sa liga na si National Basketball Association (Indiana Pacer) player Rakeem Christmas. (Lito Oredo)

Ang iskor:

Meralco 95 – James 34, Newsome 20, Almazan 15, Faundo 10, Amer 8, Jackson 3, Quinto 3, Hodge 2, Salva 0, De Ocampo 0

San Miguel 91 – McCullough 27, Fajardo 27, Romeo 11, Standhardinger 9, Santos 6, Lassiter 3, Nabing 3, Pessumal 3, Ross 2, Rosser 0

Quarters: 22-21, 42-42, 74-70, 95-91

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?