44

By

Rajan Rondo iiwan na ang Pelicans para sa Lakers

Sharing is caring!

Pumayag na umano si New Orleans Pelicans guard Rajan Rondo sa one-year, $9 million deal sa Los Angeles Lakers.

Ayon sa reports ng ESPN, gusto umano ng executives at coaches sa New Orleans na ibalik si Rondo at nag-alok din dito pero hindi nila kayang tapatan ang $9 million offer ng Lakers.

Sa kabila na napapirma ng Pelicans si guard Elfrid Payton para sa one-year, $2.7 million agreement, malaking kawalan pa rin umano si Rondo sa hanay ng koponan dahil hindi lang ito nag-a-average ng 8.2 assists at 8.3 points sa 65 games, malapit din ito kina Anthony Davis at Jrue Holiday.

Si Rondo umano ang nagpo-promote ng chemistry at pagkakaibigan sa New Orleans.

“Most of the guys, you can see them when they come (for a press conference), the first thing they say is they play for each other. And that means a lot. Rondo has a lot to do with that,” ani coach Alvin Gentry. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?