37
rain-or-shine
Jun 17, 2018 @ 16:11
By

Rain or Shine, solo sa tuktok sa panalo vs Phoenix

Binura ng Rain or Shine ang pagkakaiwan ng siyam na puntos sa fourth quarter at naiuwi ang come-from-behind win 108-106 laban sa Phoenix sa PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena kagabi.

Limang sunod na panalo na ito ng Elasto Painters at nasa tuktok na ng standings sa tangan na 8-1 win-loss record habang nalaglag naman sa 3-6 card ang Phoenix.

Pinasan din ni Rain or Shine import Reggie Johnson ang koponan sa pagtala ng 32 points, 17 rebounds, at 5 assists habang nagsahog sina James Yap at Beau Belga ng tig-13 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?