Rain or Shine pinadapa ang NLEX, 98-97

Sharing is caring!

Naipintura ng Rain Or Shine Elasto Painters ang ikatlong sunod nilang panalo sa PBA Commissioner’s Cup matapos gapiin ang NLEX Road Warriors, 98-97, kagabi (Mayo 2) sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ang krusiyal na free throw ni Reggie Johnson ang nagpanalo sa Elasto Painters laban sa Road Warriors, na ibinandera ang bago nilang import na si Arnett Moultrie.

Tabla ang iskor sa 97-all, may 7.8 segundo ang natitira.

Na-foul sa ilalim ang nag-rebound na si Johnson kaya’t nabigyan siya ng dalawang free throws pero namintis niya ang isa.

Lamang lang ng isang puntos ang ROS, 98-97, may pag-asa sanang masilat ito ng NLEX pero natapikan ng bola sa likod si guard Kenneth Ighalo at napunta ang bola kay Gabe Norwood ng Elasto Painters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?