20

Jul 18, 2021 @ 22:58

Rain or Shine binaboy Blackwater

Nagpatuloy ang magandang simula ng Rain or Shine Elasto Painters sa PBA Philippine Cup nitong Linggo matapos payukurin ang Blackwater Bossing, 71-62, sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagpasiklab si Rey Nambatac para sa Rain or Shine sa kanyang 21 points na sinamahan pa ng 12 rebounds.

Double-double performance rin ang binira ni Javee Mocon na tumapos ng may 12 points at 12 rebounds, at nagdagdag pa si Norbert Torres ng 13 points.

Dahil sa panalo ay gumanda ang kartada ng Painters sa 2-0. Ito ang ikalawa ring panalo ng bago nilang coach na si Chris Gavina.

Nagiisang kumayod para sa Bossing si Kelly Nabong na tumipa ng 18 points, at si Ed Daquioag na lamang ang kanyang nakatulong na 10 points lamang ang naiambag.

Baba sa 0-2 ang kartada ng Blackwater.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?