66

Rain o Shine tinoma ang San Miguel sa OT

Hindi pa rin nakakatikim ng panalo ang San Miguel sa 2018 PBA Commissioner’s Cup matapos padapain ng Rain or Shine 121-115 sa overtime sa Ynares Center kagabi.

Kumana si Raymond Almazan ng walo sa kanyang caree-high 25 puntos sa extra period, bukod pa sa paghatak ng 14 rebounds, para kunin ang panalo kontra Beermen.

Ang panalo ay pambawi ng RoS matapos ma-upset ng Columbian Dyip noong Miyerkoles, 96-104.

Bida din sa Elasto Painters ang import na si Reggie Johnson na nagtapos ng 27 puntos, 19 rebounds, apat na assists at dalawang blocks.

Naging problema ng Beermen si Johnson sa overtime matapos ma-fouled out sina MVP center June Mar Fajardo at Arwind Santos.

Naglaro ng all-Filipino ang SMB matapos ma-eject si import Troy Gillenwater dahil sa pagbangga nito kay referee Rey Yante sa second quarter.

Ang panalo ay pang-apat para sa Elasto Painters habang nalasap naman ng Beermen ang ikalawang sunod na panalo at wala pang panalo.

Namuno sa SMB si Santos sa kanyang 29 puntos, siyam na rebounds, apat na assists at limang blocks. May 26 puntos at 11 rebounds si Farjado.

Iskor:

RAIN OR SHINE 123 — Johnson 27, Almazan 25, Ahanmisi 16, Tiu 16, Norwood 15, Daquioag 7, Torres 5, Washington 5, Ponferada 4, Yap 3, Belga 0, Onwubere 0.

SAN MIGUEL 119 — Santos 29, Fajardo 26, Lassiter 18, Standhardinger 17, Cabagnot 14, Gillenwater 11, Ganuelas-Rosser 2, Ross 2, Espinas 0.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?