1,004

Feb 22, 2020 @ 18:40
By

Raffy Tulfo, Vice Ganda maghaharap sa ‘GGV’

Si Raffy Tulfo ang guest sa “Gandang Gabi Vice” sa last episode nito.

Sa kanyang programa sa radyo na “Raffy Tulfo in Action” sinabi ni Tulfo na sa kanilang taping para sa episode, ginawa niya ang mga bagay na hindi niya normal na ginagawa.

Naikuwento rin ni Tulfo na matagal na nilang kaibigan ng kanyang misis si Vice kaya nang maimbitahan siya ay hindi siya nagdalawang-isip.

Nagbiro pa siyang parang ayaw na niyang panoorin ang episode dahil sa mga pinagawa sa kanya ng comedian talk show host.

“Naimbitahan po ako at pumayag akong maging guest dahil matalik na kaibigan po namin ng aking misis si Vice Ganda… Susmaryosep! Parang ayaw ko nang panoorin ‘yun. Ako po ‘yung last guest sa kanilang final episode… Maraming mga bagay-bagay doon na hindi ko nasabi dito at doon ko lang nasabi… Basta, panoorin ninyo… Kasi si Vice, matagal na naming kaibigan ‘yan. More than 10 years na…” ani Tulfo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?