3,219

Nov 18, 2021 @ 20:45
By

Raffy Tulfo pinadi-disqualify

Isang petisyon ang inihain sa Commissions on Elections (Comelec) para kanselahin ang certificate of candidacy ni senatorial aspirant Raffy Tulfo.

Ibinunyag ni Comelec Spokesperson James Jimenez na isang Julieta Pearson ang naghain ng petisyon laban kay Tulfo noong October 25.

Sa ulat, sinabi ni Pearson na may “misrepresentation” sa COC ni Tulfo dahil hindi siya ang binanggit nito bilang asawa.

Iginiit ni Pearson na ikinasal sila ni Tulfo noong October 1982 sa Capaz, Tarlac. 

“This misrepresentation in his certificate of candidacy was done by him fully aware that he is not legally married to his declared wife in the COC, Jocelyn Pua Tulfo,” saad sa petisyon.

Kamakailan nanguna si Tulfo sa resulta ng latest senatorial survey ng Social Weather Stations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?