601

Dec 3, 2021 @ 16:36
By

Raffy Tulfo kaya lodi si Lacson: ‘He walk the talk’

Ibinida ng veteran broadcaster at senatoriable na si Raffy Tulfo ang mga dahilan kaya malaki ang paghanga niya kay Partido Reporma standard bearer Panfilo “Ping” Lacson.

Kaya mapalad aniya siya na maging guest candidate ng Lacson-Sotto tandem sa 2022 elections.

“I’m very, very lucky, napakapalad ko po and also very humbled na mapabilang bilang guest candidate ng Partido Reporma nina Senator Ping Lacson at ni Tito Sen,” ani Tulfo sa isang talumpati.

Sinariwa ni Tulfo ang mga katangian ng isang lider na nakita niya kay Lacson nang maging hepe ito ng Philippine National Police.

“Many years ago nung maging chief PNP po si Senator Lacson sobra po ang paghanga ko sa kanya… hanggang ngayon. Paano po ako ang napahanga kay Senator Ping? At that time nag-uumpisa pa lamang po ang aking career sa public service bilang isang broadcaster hindi ko makakalimutan ‘to… nagbigay po siya (Lacson) ng ultimatum sa mga pulis.

“Binigyan niya… kung tama pa ang pagkakaalala ko… 48 hours ata ‘yun… na lahat ng mga carnapped vehicles na ginagamit ng mga pulis kailangan maisoli na, no questions asked,” kuwento ni Tulfo.

“Napapalakpak po ako nun… kasi nga po palagi akong nakakatanggap ng reklamo na ‘Sir Raffy ‘yung kotse ko na-carnap at nakita ko gamit-gamit po ng pulis.’ Akalain mo pulis pa mismo ang nagmamaneho ng carnapped vehicle na narekober. Matapos makapagbigay si Gen. Lacson ng taning sa mga pulis para isoli ang mga ginagamit nilang carnapped vehicle… ‘yung Camp Crame po napuno ng mga sasakyan. Doon ko po nakita si Senator Lacson na mataas ang pagrespeto sa kanya ng kapulisan,” dagdag niya.

“And true enough he walk the talk dahil nasundan pa po ‘yun nung magdeklara siya sa kanyang mga pulis nung tinatawag na no take policy at ang nakinabang po noon kayo pong nasa transport group dahil madalas po akong makatanggap ng reklamo noon mga jeepney driver, tricycle driver na kinokotongan… napatigil po ‘yan ni Senator Lacson,” patuloy niya. (IS)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?