163

Jun 19, 2020 @ 21:36
By

Raffy Tulfo: Kahit ano pa suot ng babae, walang pinipili mga rapist

Para sa broadcaster na si Raffy Tulfo, walang kinalaman ang pananamit ng biktima sa krimeng rape.

Sa kanyang programang Idol in Action, may mali ay iyong mga lalaking nagsamantala.

“May karapatan ang mga babae na makipag-inuman. Ang mali ‘yung mga lalaking nagsamantala. ‘Yung mga rapist na ‘yan, kahit na siguro ay balot na balot ‘yung biktima, mangre-rape ‘yang mga ‘yan. Walang pipiliin mga ‘yan, kahit na anong klaseng damit pa ang ipasuot mo sa mga biktima,” ani Tulfo sa June 18 episode kung saan nagreklamo ang isang 19-anyos na babae tungkol sa pangga-gang rape.

“Kahit na anong klase pa ang ipasuot mo sa mga biktima, mangre-rape at mangre-rape ‘yan kasi mga hayop ‘tong mga animal ‘to eh,” dagdag niya.

Taliwas ito sa paniniwala ng kanyang kapatid na si Ben Tulfo na nagkaroon ng “word war” kay Frankie Pangilinan sa Twitter dahil sa pagsasabing ang pananamit ng kababaihan ang nag-iimbita sa mga “beast”.

Dahil dito, nag-trending ang #HijaAko bilang suporta ng mga netizen kay Pangilinan na tinawag na hija ni Tulfo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?