128
dead-body
By

Radio anchor patay sa pananaksak sa Butuan

Nasawi ang isang radio commentator matapos saksakin sa dibdib ng hindi pa kilalang salarin sa Butuan City nitong umaga ng Black Saturday.

Kinilala ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) ang biktima na si Francis Patindol.

Isang anchor sa local radio station na dxJM sa nabanggit na siyudad si Patindol.

Ayon sa ulat, kasama noon ni Patindol ang ilang kaibigan nang saksakin sa labas ng Alba Copy Center sa Narra Road, Barangay New Society dakong alas-10:00 ng umaga.

Matapos saksakin sa dibdib ang biktima ay agad tumakas ang suspek habang dinala si Patindol sa MJ Santos Hospital ng kanyang mga kasamahan pero nasawi rin.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang motibo sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?