740
maine
By

RADAR: Maine Mendoza at Vice Ganda, kinilala bilang Top Celebrities ng Twitter Philippines

Sharing is caring!

Inilabas nu’ng Biyernes ng gabi ng Twitter Philippines (@TwitterPH) ang first edition ng Philippine Entertainment Index (#WhatsHappening) para sa mga local celebrity at program.

Para sa Top Female Celebrities, nanguna sa listahan ng Twitter PH ang Phenomenal Star ng “Eat Bulaga” na si Maine Mendoza (@mainedcm). Sumunod sa kanya sa naturang kategorya ay si Maris Racal (@MissMarisRacal), in third place ay si Loisa Andalio (@iamAndalioLoisa), ang ikaapat na puwesto ay nakuha ni Maymay Entrata (@maymayentrata07) at panglima ay si Kathryn Bernardo (@bernardokath).

Sa male counter part, nanguna si Vice Ganda (@vicegandako) bilang Top Male Celebrity on Twitter, closely followed by Donny Pangilinan (@donnypangilinan) na ipapalilala sa pelikulang “Walwal” ng Regal Films, at pumangatlo ay ang Pambansang Bae na si Alden Richards (@aldenrichards02), in fourth place ay si James Reid (@tellemjaye) at Ronnie Alonte (@iamr2alonte) in fifth place.

Sa love team, nangunguna pa rin ang Aldub (coined word for Alden and Yaya Dub- ang character ni Maine sa #KalyeSerye ng “Eat Bulaga”) bilang Top Love Teams on Twitter.

Sa post ng Twitter PH, pahayag nito patungkol sa Aldub, “With millions of followers, they continue to spark hundreds of conversations and generate millions of tweets worldwide.”

Sumusunod sa kanila ay ang MayWard love team nina

Maymay Entrata at Edward Barber; sumunod sa kanila ang KissTon nina Kisses Delavin at Tony Labrusca. Pang-apat naman ang loveteam nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin, ang DonKiss tandem at ranked number five naman ang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre.

Nanguna sa Top Teleserye on Twitter ang “La Luna Sangre” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, closely followed ng “Bagani” nina Enrique Gil at Liza Soberano, and in third place ay ang “Wildflower” ni Maja Salvador.

Surprisingly, pasok ang pinakamainit at sinusubaybayang serye ngayon sa primetime ng GMA Network at pumang-apat ito sa Twitter chart, ang “Kambal, Karibal” nina Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara at Bianca Umali. Heard, it was again extended for another season at sa Agosto na ito magtatapos.

Samantala, pasok naman sa pang-lima ang nagtapos na seryeng “Sherlock, Jr.” ni Ruru Madrid.

Ang source ay mula sa Twitter internal data, mula January 1 to April 30, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?