114

By

RADAR: Lolit Solis, may pakiusap sa mga basher ni Heart Evangelista

Sharing is caring!

Kumpirmado na ngang on the family way na ang misis ni Senator Chiz Escudero na si Heart Evangelista.

The couple got married in 2015 at tatlong taon din ang kanilang hinintay bago sila nakabuo ng baby.

This early ng kanyang pregnancy, may mga basher na si Heart. Tulad ng iba pang artista, biktima rin ang misis ng senador ng celebrity bashing.

Para sa talent manager-cum-tabloid columnist na si Lolit Solis o mas kilala bilang Manay Lolit o ‘Nay Lolit, hindi na dapat idinadamay ang bata.

“Ngayong buntis na si Heart Evangelista, dapat na sigurong maisip ng mga [basher] na ‘di dapat isinasali ang mga bata sa anuman gusto nilang sabihin.

“Naalala ko nun ang kawawang Zia na talagang isinali ng ilang tao sa namamagitan ‘war’ nila Marian Rivera at Heart kaya naman ang sakit-sakit ng loob ni Marian dahil pati anak ay sinasali sa mga komentong hindi naman dapat,” patuloy na kuwento ni ‘Nay Lolit sa kanyang Instagram account.

“Now na si Heart ay magkakaroon na rin ng baby, sana naman huwag na rin maranasan ni Heart ang dinanas na sama ng loob ni Marian.”

Pakiusap ni ‘Nay Lolit sa mga basher at hater.

“Kung gusto n’yo silang awayin, iyon mga nanay na lang huwag na mga anak na hindi pa nalalaman ang mga nagaganap sa paligid dahil wala pa silang muwang.

Patuloy na kuwento ni ‘Nay Lolit sa kanyang post, “Nakakaawa si Zia na kung anu-ano ang sinasabi ng haters, grabe, sana huwag mangyari iyon sa anak ni Heart. Sure ako na sila Marian at Heart ayaw din ang mga nangyayari pero nangyari na, so passnsiya na lang. But praying na sana nga huwag danasin ni Heart ang dinanas ni Marian, siyempre masakit sa ina na kung sila man ay ayaw ng ibang tao, dapat lang siguro hindi idamay ang mga anak nila.”

Sa huli, nagpaabot si ‘Nay Lolit ng congratulatory message kina Heart at Sen. Chiz at wish din ng former “Startalk” host na masundan na nina Dingdong Dantes at Marian si Maria Letizia.

Say niya, “Congrats Heart and Chiz, at sana may kasunod na si Zia, Marian and Dingdong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?