By

RADAR: Heart Evangelista, rarampang naka-high heels kahit buntis!

Sharing is caring!

May isang concerned 65-year old Instagram (IG) follower ang Kapuso actress na si Heart Evangelista na nagpaalala na bawal na sa buntis ang magsuot ng high-heels o sapatos na matataas ang takong.

Paalala ni @seniorentreprenuer sa misis ni Senator Chiz Escudero, “reminder.. no hi-heels throughout ur pregnancy… tc from ur 65yo granny fan.”

Reply ng preggy actress sa comment section, “hahah;) my doctor said it’s no problem because I get back pains when in flats. Ahahaha I think that one of the first things I asked!”

So malinaw na kahit kabuwanan na ni Heart sa kanyang first baby, makikita pa rin ng mga tagahangang naka-high heels ito.

Halos kasabay ng selebrasyon ng Mother’s Day ang announcement ni Heart ng kanyang pagbubuntis sa kanyang official at verified IG account.

Two days after, nagpasalamat naman ang aktres sa congratulatory messages na natanggap niya sa mga kaibigan.

Ani Heart, “Thank you for celebrating this special weekend with me, everyone! I’m overwhelmed by all the kind words and congratulations. Don’t worry, you’ll be seeing more of me from now on. I can’t wait to share with you this exciting new part of my life…”

Tatlong taon din ang hinintay ng mag-asawa bago biniyayaan ng supling. The couple got married sa Balesin Island nu’ng February 15, 2015.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?