325
heart1
By

RADAR: Heart at Sen. Chiz, inuulan ng congratulatory messages

Sharing is caring!

Inuulan ngayon ng congratulatory messages sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista pagkatapos inanunsiyo ng Kapuso actress ang kanyang pagdadalantao.

Sa photo ay makikitang magkayakap ang mag-asawa at si Heart ay may hawak na one-piece infant bodysuit at nilagyan ni Heart ito ng caption na, “The greatest of blessings all in God’s perfect timing! Our beautiful family just got a little bigger. We can’t wait to meet you little one…” na tinapos niya ito ng isang baby emoji.

As of posting, humamig na ito ng mahigit 243K plus likes at 7K plus comments.

Ilan sa mga celebrity at kaibigan at IG followers ng aktres ang nagpaabot ng pagbati sa ibinahagi niya good news sa kanyang personal at verified IG page.

Comment ng isa sa mga actresses ng “The One That Got Away” na si Lovi Poe, “WAAAAAHHHH! Finally! Can’t hold it any longer can’t wait to meet little missy or little chiz.”

“Mummy hearty for the win!!” sambit naman ni Soleen Heussaff.

Wika naman ni Chynna Ortaleza- Cipriano, “I remember talking to you about motherhood! Congratulations @iamhearte.”

Nagpaabot din ng pagbati sina Liz Uy, ang color commentator at co-host ni Michael V. sa Sunday show na “Lip Sync Battle Philippines” na si Iya Villania- Arellano, Rocco Nacino, Judy Ann Santos, Gabbi Garcia, Janice de Belen, Iza Calzado, Marvin Agustin, Mark Bautista at marami pang iba.

Heart and Sen. Chiz got married sa Balesin Island on February 15, 2015 at desisyon nilang mag-asawa na huwag munang magka-baby pagkatapos nilang ikasal.

In 2017, sa grand presscon ng “My Korean Jagiya,” binanggit ni Heart na balak o pinaplano na nilang mag-asawa na magkaanak this year kaya hindi muna tatanggap ng bagong project ang aktres sa GMA Network para makapag-focus sa pagbuo ng sarili nilang pamilya.

As of now, wala pang ibang detalye tungkol sa pagbubuntis ni Heart.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?