253
julie-anne
By

RADAR: Birthday message ni Benjamin Alves kay Julie Anne San Jose, nagpakilig sa netizens

Sharing is caring!

Sweetness overload! Maraming netizens ang kinilig sa birthday message ng Kapuso hunk na si Benjamin Alves sa kanyang girlfriend na si Julie Anne San Jose, who’s turning a year older today, May 17.

Sa photo caption ni Ben sa kanyang Instagram, say ng aktor at GMA Excellence Awards ambassador, “The most beautiful song I have heard you sing, [w]as to say the words: ‘I love you, my best friend.’

And then adds, “Happy Birthday to you, my love. May all your days be filled with smiles and your world be full of pleasant surprises. Let’s continue this story And grow old together, shall we?”

Na tinugunan naman ng bida ng morning GMA show na “My Guitar Princess” ng “thank you love” at tinapos ito ni Julie Anne ng isang red rose emoji.

Sa kanya namang Twitter page, muling binati ng aktor ang kanyang iniirog. Shout out ni Benjamin, “Happy birthday to this beautifil woman, Who I’m lucky enough to call my best friend.”

Kung tama ang hula namin, mahigit isang taon na rin ang relasyon nina Julie Anne at Benjamin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?