919
anne-curtis-radar
By

Anne Curtis, naghasik ng kaseksihan sa Batanes

Sharing is caring!

Agad pinost ng Viva Artists Agency (VAA) ang sexy photo ni Anne Curtis na kuha sa Batanes sa kanilang social media pages. Ang VAA (headed by Veronique del Rosario) ang in-charge o namamahala sa career ng misis ni Erwan Heussaff.

Sa caption ng VAA, “Hotness in Batanes. Beautiful @annecurtissmith.”

Nasa Batanes ngayon ang Kapamilya actress para sa shooting ng pelikulang “Aurora” na dinidirek ni Yam Laranas para sa Viva Films. Nagsimula ang kanilang shooting nu’ng May 7. Bukod kina Anne at direk Yam, wala pang ibang detalye tungkol sa pelikula.

Kahapon ay nasa Fundacion Pacita, Basco, Batanes ang grupo at caption ni Anne sa photo na kanyang pinost sa IG wall niya, “Woke up to the sound of the waves, ocean breeze in my hair, sun in my face and 9 million followers.”

Ang tinutukoy ng aktres ay ang followers niya sa IG na umabot na sa 9 million plus.

“Thank you to all of you for following my crazy life of love, work, fashion, passion, fangirling, dreaming big and paying it forward. Big kisses to all of you! Even to you, who doesn’t like but lurks and follows me for the heck of it. Thank you,” bahagi pa rin ng caption ni Anne.

“Sending out light, love and laughter to everyone,” at tinapos niya ito ng isang hashtag na #9milliANNE.

Wala pa kaming ideya kung kailan babalik ng Manila ang utol ni Jasmine Curtis Smith but for sure, tutulong siya kay Dingdong Dantes sa promo ng movie nilang “Sid & Aya: Not A Love Story” na mapapanood na sa May 30, mula sa panulat at direksyon ni Irene Villaflor, at produced ito ni direk Joyce Bernal para sa Viva Entertainment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?